MASA PARA SA BAYAN (Discussion Topic) - Calinan National High School - Alumni.NET
Information
    High School/Secondary School
    Davao City, Davao Del Sur, Philippines
Moderator
Alumni.NET News




Topic:MASA PARA SA BAYAN
Displaying posts (1 - 1) out of 1

Jesie BatonghinogMasa ay nagkakagulo sa hirap ng buhay sa bayan ko.Sinisisi mga tao na naka-upo sa gobyerno.Kakaunting buwis na binabayad ko kulang pa na pangsweldo sa mga pulis d'yan sa kanto, kaya tuloy hinuhuli nila ang tatay ko para humingi ng panigarilyo.Tatay kong jeepney driver, 'pag may pulis ay nagko-cover, baka masita tanghali na, mga pulis ay nagugutom pa.Taong-bayan ay nagwewelga, "ITAAS ANG SAHOD" sigaw nila. Presyo ng bilihin ibaba rin, kaunting kita ko ay kulang pa na pangtustos sa eskwela ng mga bata."PAANO NA ANG KINABUKASAN NILA?"Reklamo laban sa gobyerno ay iwasan na, Welgang-bayan ay tigilan na, gobyerno'y walang magagawa, gobyerno natin ay walang pera kinukurakutan pa nila.Mahihirap paano na sa gobyerno ay umaasa,Ngunit paano matutulungan sila, ang gobyerno ay walang pera. Kaunting pondo ay kulang pa na pambayad sa mga inutang nila at ibinubulsa.Tulungan kami sigaw nila, sa basura kami'y kumikita. Kaunting kita sa basura d'yan sa jueteng at lotto ay itinataya baka sakali kaunting barya bukas ay milyon na.Negosyanteng mapagsamantala 'pag nag-presyo'y sobra-sobra. Paninda nyo'y binibili ko recibo ko ay ibigay n'yo upang buwis sa gobyerno maibayad n'yo ng wasto.Panawagan sa senado "BATAS NG BAYAN AY SINULAT N'YO" bakit itong mga tao wala yatang alam dito.Panawagan sa senado "BATAS NG BAYAN NA SINULAT N'YO" sa amin sana'y ipaliwanag n'yo upang alam namin ito.Taong-bayan nawa'y magkaisa gobyerno natin ay tulungan pa Baka sakali may pag-asa, "KINABUKASAN SA MGA BATA"------Jesie BatonghinogBatch 1993


about a day agoReport


Help | About Us | Terms & Conditions | Privacy | Travel
Copyright ©  Alumni.NET, Patent Pending